Kunin ang app

Mga Talata sa Bibliya tungkol sa pag-aasawa

Ang pag-aasawa sa Kasulatan ay tipan na itinatayo sa pag-ibig, pagtitiyaga, at pakikipagtulungan sa buong buhay. Karapat-dapat balikan nang magkasama ang mga talatang ito.

Genesis 2:24

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Ang Mangangaral 4:9-10

Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.

Mga Taga-Efeso 4:2-3

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.

Mga Taga-Colosas 3:14

At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

Marcos 10:9

Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

1 Pedro 4:8

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

Higit pang koleksyon ng talata

Magsimula

Gawing matatag na bahagi ng araw mo ang Kasulatan.

Kunin ang app
Mga Talata sa Bibliya tungkol sa pag-aasawa | Devotional